saab magalona , tsugi na talaga sa tv5


saabmagalonaBAD Girl ang iniwang impression ni Saab Magalona sa mga nakasama niya sa Lipgloss sa TV5 dahil na rin sa umano’y mga pagsuway na ginawa nito habang nagtatrabaho siya sa nasabing palabas.

Ito raw ang naging cause of delay ng ilang tapings nila at ang pinaka-worst ngang nangyari eh, nang kinailangan nilang mag-taping sa Camsur at sumagot daw si Saab na darating siya sa taping nito. May tiket na naghintay for Saab pero hindi ito nagpakita.

Isa pa raw na binayoleyt ni Saab eh, ang rule na bawal magdala ng boyfriend sa kanilang set. Sa simula nga raw eh, hindi na ito pinansin ng mga nasa production but it got to the point na naging distracting na ito sa ibang mga katrabaho ng dalaga ng mga Magalona.

Ito nga raw ang naging dahilan para matsugi agad ang karakter ni Saab bilang Meg Madrigal sa nasabing palabas at ‘pinatay’ siya sa araw ng kanyang kasal kay Nikko (Matt Evans) sa pagsabog ng isang bomba.

Si Lovi Poe ang bagong pasok ngayon sa cast ng Lipgloss. Pero nilinaw din ng production na hindi nito pinalitan ang karakter ni Saab. Dahil sa season 4 ng Lipgloss, isang prinsesa mula sa Dubai ang sasalangang role ni Lovi.

Kaya ang tanong namang inihain kay Lovi eh, kung aware ba siya sa rule na bawal ang magdala ng boyfriend sa set nila?

That night nga lang nalaman ito ni Lovi pero kung ‘yun ang patakaran sa kanilang trabaho eh, susundin niya ito.

So, hindi na dadalaw o dadaan doon si Jolo Revilla?

Nag-smile lang ang dalagang ang focus pa rin eh, sa kanyang career. At tahasang sinabing hindi sa pagbu-boyfriend mababaling ang concentration niya dahil mayroon pa siyang gustong ibang ma-achieve sa pinasok na mundo.

pilar mateo/hataw

One comment on “saab magalona , tsugi na talaga sa tv5

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s