jericho rosales, gustong mikipagbalikan kay heart evangelista


Last Sunday, December 21, sumalang ang aktor na si Jericho Rosales sa hotseat ng The Buzz para sagutin ang ‘Tough Ten’ questions ng programa. Si Ruffa Gutierrez ang nagbato ng sampung matitinding katanungan sa aktor na leading men ni Anne Curtis sa Metro Manila Film Festival entry na Baler.

Heto ang mga katanungang pilit nilusutan pero ganunpaman ay buong katapatan na sinagutan ni Jericho.

Question # 10: Ang Baler ay tungkol sa forbidden love. Kung may isang bawal na nagawa mo, para lang patunayan mo ang pag-ibig mo, ano ito?

“Bawal? Hindi ko na kinailangang gumawa ng bawal para lang patunayan ang pag-ibig ko. I think na-prove ko na ‘yun. Basta, hindi ko na kinailangang gumawa ng bawal.”

Pero ano ang nagawa mong bawal in the past?

“Kailangan pa ba nating pag-isipan ‘yun? Marami rin naman akong nagawang bawal. Pero na-forgive na ako do’n ni Lord. Thank you, Lord. I love you!”

Question # 9: Kaharap mo ang anak mong si Santino. If there is one thing na ipapayo mo na huwag gawin ng iyong anak dahil napagdaanan mo na, ano ‘yon?

“If there’s one thing… since lalaki siya, sasabihin ko sa kanya na, ‘Huwag mo nang gawin ‘yung mga pagkakamali ko na makakasakit ka ng babae.’”

Question # 8: Pagdating sa iyong buhay, what do you consider your biggest success and your biggest failure?

“Can I go for biggest failure muna? Biggest failure siguro was when I messed up pretty bad sa paggawa ko ng desisyon tungkol sa buhay ko at saka sa career ko. And I think ‘yung success ko doon is that bumangon ulit ako and I got back. I learned from my past experience.

“Parang beauty pagent questions ito!” (laughs)

Question # 7: Inamin mong nanamlay noon ang career mo. Natatakot ka bang mawala muli ang lahat ng ito?

“Hindi ako natatakot sa kahit anong bagay because I know now that I have a purpose kung bakit. Kahit tumigil ako noon, bumalik pa rin ako. Feeling ko talaga, may silbi ako kung bakit ako nandito.”

Question # 6: Three names: Jericho, John Lloyd, Piolo. Kung ira-rank mo ang tatlong ito, pang-ilan ka?

“Sa anong aspeto?”

Sa lahat ng bagay, sa career, pag-ibig… you know, everything.

“Sa career, si Piolo. Kasi si Piolo, napaka-focus niyan. Actually, kanina ko pa iniisip si Piolo, hinahangaan ko talaga ito. Si John Lloyd, bilib din ako sa kanya because of his sensitivity. I guess, just to be humble, I’ll put myself on third lang. Okay na ako sa third para at least I can still go up, ‘di ba?”

Question # 5: Oo o hindi. Kung ikaw ang papipiliin, liligawan mo ba si Anne Curtis?

“Well, ganito lang ‘yan kung…” (Naghiyawan na ang audience sa studio.)

Oo o hindi lang, Echo.

“Oo o hindi lang, walang explanation? Kamote!”

Huwag na ‘yung explanation, matagal pa. Yes or no, liligawan mo ba si Anne Curtis?

(Hindi pa rin agad nakasagot si Echo.) “Oo, sige, pero bastedin mo agad ako!”

So, oo, liligawan mo si Anne Curtis? Yes or no?

“Okay… yes.”

Question # 4: Dalawang pangalan ang lumitaw na dahilan kung bakit daw kayo naghiwalay ni Heart Evangelista: Si Carmen Soo at si Briana Evigan. Kung wala sina Carmen at Briana sa eksena, kayo pa kaya ni Heart Evangelista?

“Yes.”

Bakit?

“I guess so, kasi wala naman magiging problema, e.”

Question # 3: Oo o hindi. Honestly, naka-move on ka na ba kay Heart Evangelista?

“Yes!”

Question # 2: Right this moment, halimbawa, nag-text sa iyo si Heart at sinabi niyang, ‘Let’s start all over again.’ The question is: will you say yes?

“Well, right this moment, I will say no. I know she would not do that… But we could be friends.”

Question # 1: Kung bibigyan ka ng pagkakataon na ayusin ang lahat ng pagkakamali mo sa iyong nagdaang relasyon, sino sa tatlo ang gusto mong balikan: si Cindy Kurleto, Kristine Hermosa o si Heart Evangelista?

“With Kristine and I, it’s beyond my control. Whatever happened, it was on her side. So, hindi ko talaga kontrolado ‘yung bagay na ‘yon. It would have been good kung hindi kami nagkaroon ng problema ni Tin. With the support of family and friends, Kristine and I would have been… Siguro ngayon parang exciting.”

So, si Kristine ang babalikan mo?

“No. If I would be honest to my self, siyempre, kung maaayos ko ‘yung mga naging pagkakamali ko doon sa huli kong relationship, I’ll go back sa huli.”

Okay, so, babalikan mo si Heart Evangelista?

“Kung naayos ko noon, kung naayos ko ‘yung mga bagay… Kailangan, honest lang ako sa sarili ko. I don’t want to be a hypocrite.”

showbizmanila.com

One comment on “jericho rosales, gustong mikipagbalikan kay heart evangelista

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s