pagseselos ni kim chiu ikinatutuwa pa ni gerald anderson


Kim Chiu
PAGKATAPOS ng kanilang hit primetime series na My Girl at ng Sunday mini-series na Your Song Presents:  My Only Hope ng ABS-CBN, muling magbibida ang love team nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa bagong primetime series na Tayong Dalawa  na malapit nang mapanood sa Kapamil-ya network.

Sa nasabing serye ay gaganap si Gerald bilang isang PMA (Philippine Military Academy) cadet  at kapatid niya rito si Jake Cuenca.

“Sobrang na-excite ako talaga ako sa bago naming serye kasi, ba-gong challenge na naman ito for me,”sabi ni Gerald nang makausap namin sa taping ng Tayong Dalawa.

Kung sa ibang serye na nagawa ni Gerald ay nag-comedy at drama lang  siya, dito sa Ta-yong Dalawa ay nag-action naman siya.

“Ang sarap. Kasi,  first time kong maga-action sa TV. Pati si Jake tinutulungan din niya ako.

“Inaalalayan din niya ako. Ang laki ng tulong niya sa akin. Kasi, sanay na rin siya kahit papaano sa action dahil nag-Palos siya.”

Sa teleseryeng Tayong Dalawa ay may sapakan scene sina Gerald at Jake.

Ano ang naramdaman ni Gerald sa   bayolenteng eksenang ‘yon?

“Nahirapan nga ako sa eksenang ‘yon. Nagkapasa-pasa talaga ako. Pero, okey lang. Maganda namang lumabas ‘yon,”

Pero, sa totoong buhay daw ay hindi  maga-gawang makipagsapakan ni Gerald sa nakababatang kapatid niyang lalaki na si Ken.

“Mahirap talaga kung sa tunay na ka-patid ko mangyayari ang  sapakan scene namin ni Jake. Ayaw kong mangyari ‘yon.

“Nag-aaway din naman kami noong mga bata pa kami. Pero hindi naman talaga  umabot sa isang sapakan,” wika ni Gerald sa interview namin kung carry ba niyang maki-pagsapakan sa kapatid sa totoong buhay.

Ano ang feeling na sunud-sunod ang project nila ni Kim sa ABS-CBN?

“Siyempre masaya dahil patuloy silang nag-ti-tiwala sa amin at maraming pro-jects sa iba’t  ibang roles. Mahirap kasing ma-type cast. Kami ni Kim, ginagawa namin ang makakaya namin para tuluy-tuloy ang projects,” saad pa ni Gerald.

Maituturing ba ni Gerald na naging maganda ang taong 2008 sa career nila ni Kim?

“Yes po! Kasi nga, bu-kod sa sunud-sunod ang ginawa naming serye, nakagawa pa rin kami ng movie. Kasama kami sa Shake Rattle and Roll 10 para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.”

Tatlo na ang naging girl friend ni Gerald na pa-wang non-showbiz.         Masasabi ba niya na  si Kim ang magiging pang-apat?

“Magi-ging pa lang po siguro, ka-pag nag-kataon,” nakangi-ting wika ni Gerald.

Type naman daw talaga ni Gerald na maging girlfriend si Kim.

Nasa da-laga na raw kasi ang lahat ng mga katangi-ang hina-hanap niya sa isang ba-bae na type niyang ma-ging kasintahan, and if possible, maging kapartner sa buhay.

“Mabait, maganda, matalino, maalaga hindi lang sa akin kundi sa lahat ng tao.

“Ang mga ganyang ugali ng isang girl ang nagpapa-in love sa akin kay Kim.”

Papaano pala siya inaalagaan ni Kim?

“Lagi niya akong dinadalhan ng food sa taping o sa shooting namin,” aniya.

Pinag-uusapan na ba nila ni Kim kung ano man ang relasyong  mayroon silang dalawa  ngayon?

“Hindi pa namin pinag-uusapan nang formal na formal talaga. Pero alam namin kumbaga na may feelings kami para sa isa’t isa.”

So, masasabing may mutual understanding o MU na kayo ni Kim?

“Ayaw naming sa-bihing MU ang nara-ramdaman namin pa-ra sa isa’t isa.  Ang pu-wede ko lang sabihin, gusto ko siya. At siguro kahit papaano  ay may gusto rin siya sa akin.”

Nang ma-link  ka  kay Pauleen Luna ay inamin ni Kim na nagselos siya.

Ano ang masasabi mo?

“Yata. At natuwa ako sa halip na mainis. Kasi isa lang ang ibig sabihin noon, may feelings din talaga siya sa akin,” pagwawakas ni Gerald sa interview namin.

rommel placente/journal online

One comment on “pagseselos ni kim chiu ikinatutuwa pa ni gerald anderson

  1. swirti din itong si kim noh? kahit walang kalatoylatoy, sige pa rin ng sige ang ebs sa pagbigay buhay sa kanyang kuluntoy na karir! ebeg sabehen puidi na rin ako? araguy?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s