isyu kay piolo, nilinaw ni ruffa


Nagkaroon pala ng issue kina Ruffa Gutierrez at Piolo Pascual nang kumalat ang K-text ng aktres-TV host sa mga subscriber na naglalaman ng “Piolo off.”

Nagtaka ang mga nakatanggap nito, lalo na sa mga taga-showbiz, dahil ano raw kaya ang ibig sabihin ni Ruffa sa linyang ’yon?

Siyempre, ang unang papasok sa isip mo, na-off siya kay Piolo.

Nang makatsikahan namin ang aktres-TV host last Sunday sa Secret Café ni Fanny Serrano, ipinaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin ng K-text message niyang “Piolo off.”

“Super puyat kasi ako nu’n dahil naglalagare ako sa taping ng I Love Betty La Fea at shooting ng Desperadas 2. So, ilang araw na akong walang tulog.

“Nang magkaroon ako ng time to sleep, beep nang beep ang cellphone ko. Eh, naka-subscribe nga ako sa K-text ni Piolo, ’di ba? So, beep siya nang beep. Natutulog ako, magbi-beep, from Piolo. Maya-maya, beep na naman, K-text na naman ni Piolo.

“So, what I did was I sent ‘Piolo off’ sa K-text para tumigil na ’yung pagpapadala ng message sa akin. Eh, ’yun pala, pinadala ng provider ko sa lahat ng subcriber ko,” paliwanag ni Ruffa.

Inakala kasi ng K-text na mensahe niya ’yon sa mga subscriber, kaya hayun ang nangyari.

Natatawa na lang si Ruffa sa kumalat na balitang na-off siya kay Piolo at say niya, wala naman daw katotohanan ’yon.

Halatang masaya at nasa mood si Ruffa that night, dahil as we all know, nakaraos na ang mga magulang niyang sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama sa kani-kanilang operasyon.

Matatandaang sumailalim sa angioplasty si Eddie sa St. Luke’s Medical Center at ilang araw lang, si Annabelle naman ang nagpaopera ng myoma sa Asian Hospital.

Kuwento ni Ruffa, dalawang myoma ang tinanggal sa ina at ang nakakatuwang parte, bago ito ipasok sa operating room, nagbibilin na ng kung anu-ano.

Pati titulo raw ng kanilang bahay at lupa, itinuro na kung nasaan.

“Si Mommy, napaka-morbid. Sabi niya sa akin, ‘Ruffa, kung ’di na ako magising, alagaan mo ’yung mga apo ko, ’yung mga kapatid mo, sabihin mo kay Mon (Raymond) ganito, sabihin mo kay Chard (Richard), ganito.

“Siyempre, teary-eyed din ako, ‘Ma, can you please stop that?’ Ako raw ang papalit sa role niya. Sabi ko, teka muna, I have two kids pa to feed, ’no? Siyempre, kung kinakailangan, kakayanin ko, pero ayoko munang isipin ’yon, ’no?”

Ipinagpapasalamat nang labis ni Ruffa na napakabait pa rin ng Diyos sa kanila dahil kung isang linggo pa raw ang pinalipas bago inoperahan ang ina, baka naging cervical cancer na ’yon.

Ang daddy naman niya, at least, naagapan nilang maisugod sa ospital dahil sa bahay inatake at hindi sa taping ng Luna Mystika.

Kaya ngayon, masaya na ang Pasko nila. Since pareho pang nagpapagaling ang kanyang magulang, sa bahay lang sila sa Christmas.

Ibinalita ni Ruffa na January 11, 2009 ang Christmas party ng Gutierrez family for the press dahil kasalukuyan pang nagpapagaling ang ina at one month pa siguro bago ito maka-recover.

Bale thanksgiving na rin daw ’yon para sa lahat ng blessings at magagandang bagay na dumarating sa kanilang buhay.

Actually, hindi lang Christmas party ng Gutierrez family ang gaganapin sa Enero, kundi maging ng buong Royal Era group.

Maganda rin daw kasi ang naging takbo ng careers  this year ng mga alaga ni Tita Annabelle, gaya nina JC de Vera, Ehra at Michelle Madrigal at si Heart Evangelista.

So, join din sila sa pagbibigay ng papremyo sa raffle for the press.

vinia vivar/journal online

3 actors want to bed alessandra


Alessandra de Rossi
THE male stars in the OctoArts Filmfest entry “One Night Only” were asked  who among the actresses in the film they’d like to have for “One Night Only.”  Ricky Davao, Paolo Contis and Joross Gamboa all chose Alessandra de Rossi and not the more boobsy Katrina Halili, Diana Zubiri, Valerie Concepcion or Jennylyn Mercado who’s in the U.S.

“Well, thank you, feeling ko, ang haba ng hair ko,” says Alex. “Nakakatakang ako napili, e I’m not well-endowed naman like my co-stars. Sa pictorial nga naming lima na kumot lang ang cover namin, walang masabitang boobs ‘yung kumot sa’kin kaya nagmukhang turtle neck kasi nilagay ko hanggang leeg ko.”

Does she intend to have it augmented later? “Ay, hindi ‘no. Never naging issue for me na I have small boobs, just like ‘yung kulay ko na sinasabi nilang magpa-skin whitening ako. No, satisfied na ko sa binigay sa’kin ni Lord kasi, tingnan nyo nga ‘yung guys dito, ako’ng pinili.”

Paolo says the reason is that Alex is so talkative. “Mas masarap kasama ang babaing madaldal at baka magamit pa sa ibang paraan ang bibig niya,” he adds mischievously.

In “One Night Only,”  Paolo plays a horny movie actor who beds his fans. Alex plays a promdi fan who he takes to a motel thinking she’s a virgin “manang.”  “But I get the surprise of my life dahil ang inakala kong tatahi-tahimik at walang alam, siya palang kilabot sa kama. Ang ending, ako nang sumusuko sa kanya dahil gusto pa niya, pero ako, hindi ko na kaya. Napanood ko ang episode namin at tawa ako nang tawa.”

How does Alex feel working with Kapuso stars again? “It’s nice to be working with them again but I have no regrets about moving to ABS. Walang tigil ang projects nila for me. I was in ‘Betty La Fea’ and I already did two episodes of ‘Maalaala Mo Kaya’, then I was also in ‘Pieta’ and I’m doing another soap soon. At least, tinupad nila ang promise nila sa’kin na hindi nila ko pababayaan.”

mario bautista/journal online

sikat na lady tv host ‘hinada’ sa loob ng kotse ang alagang male dancer


ISANG kilalang lady TV host ang gumawa ng isang eksenang nakahihiya sa loob ng kanyang kotse.

Ganito ang kuwentong nakarating sa amin.

Minsan daw, may pinuntahan ang lady TV host at ang kanyang tinutulu-ngang bagets na member ng isang sikat na grupo ng dancers.

Magkatabi sa likurang upuan ng sasakyan ang da-lawa habang katabi naman ng driver ang babaing alalay ng nasabing TV host.

Matagal na raw may lihim na gusto sa bagets ang lady TV host na ito, at nang mga sandaling ‘yon, hindi na raw nito napigil ang pagsilakbo ng pagnanasa.

Buong kahayukan daw na hinubaran ng pantalon ng lady TV host ang nabiglang bagets at doon mismo sa car ay ginawan ng kahalayan ang alaga.

Blow-job na umaatikabo ang ginawa ng lady TV host sa bagets na ni hindi nakapalag.

Ang source namin ng kahalayang ito ay ang mismong kasama ng lady TV host sa car.

Hulaan n’yo na lang kung ang driver, ang alalay o ang mismong bagets.

gary sta ana/journal online

cinemanila launches sine barangay


Just weeks after the conclusion of Dekada Cinemanila: the 10th
Cinemanila International Film Festival, Cinemanila launches Sine
Barangay, a 5-day program of master classes and outdoor screenings of
participating Cinemanila films. Sine Barangay opens tomorrow,
November 18 and runs through November 22nd in Marikina.

The event, held in cooperation with Marikina City and Marikina Mayor
Marides Fernando, will kick off with workshops in directing, indie
filmmaking, cinematography and editing on November 18 and 19. The
workshops are to be held by renowned local filmmakers such as Raymond
Red, Lav Diaz and Raya Martin.

As part of the 5-day event, Cinemanila will have outdoor screenings
from November 20-22 at the Marikina River Park. Participating shorts
and documentaries from the recently concluded Dekada Cinemanila will
be screened as part of Cinemanila’s ongoing effort to make local indie
films more accessible to the public.

“The key is taking these films out of the cinemas and bringing it to
the communities through outdoor screenings organized in cooperation
with the local government units,” said festival director Tikoy
Aguiluz. “After 10 years of showing the best in world and Southeast
Asian cinema in the theaters, we believe this is a natural next step
for Cinemanila, which we can and will continue year-round.”
Also to be premiered at Cinemanila’s Sine Barangay are two short films
directed by former Eraserheads band members Ely Buendia and Marcus
Adoro. Their shorts, produced in cooperation with Cinemanila, will
screen on November 20.

Admission for the Cinemanila Sine Barangay workshops and screenings is
free on a first come, first-served basis. For inquiries, email
cinemanila@gmail. com.

Workshop Schedule

Venue: Kapitan Moy (near Marikina City Hall)
Marikina City

Tuesday, November 18

10:00 am – 12 noon Screening

2:00 pm – 4:00 pm Master Class in Directing with
Raymond Red

Wednesday, November 19

10:00 am – 12 noon Screening

2:00 pm – 4:00 pm Master Class in Indie Filmmaking
with Lav Diaz & Raya Martin

4:00 pm – 6:00 pm Master Class in Cinematography &
Editing with Maylyn Villalon of
Scenema Concepts

Sine Barangay Schedule

Screenings at Marikina River Park
Marikina City

Thursday, November 20

7:00 pm Shorts Night
Short Films by Ely Buendia and
Marcus Adoro,
Dekada Cinemanila Short Films
in Competition

Friday, November 21

7:00 pm Dekada Cinemanila Short Films
in Exhibition

Saturday, November 22

7:00 pm UN MDG Shorts

(2006: Yapak by Milo Tolentino, Saling Pusa by Antoinette Jadaone,
Salagubang by Anima Aguiluz; 2008: Lan-Ay by Milo Tolentino; Tumbang
Preso by Antoinette Jadaone)

9:00 pm
Marlon by Ralston Jover & James Amparo

separated at birth?


jasonhamudi4kambal ba sila o magkapatid? parehong hindi ang sagot.  ang nasa taas ay ang sikat nang si JASON ABALOS, sa baba naman nya ay si HAMUDI KHILEIFAT, isang model.  nakaaliw silang pagmasdan dahil magkamukhang-magkamukha sila, ewan lang sa personal!

riza, pinalitan ni cristine


HINDI maganda ang karanasan ng MINT sa kanilang unang endorser na si Riza Santos.
Hindi kasi ginawa ni Riza ang mga responsibilidad niya bilang endorser.
Kaya hindi pa man natatapos ang isang taong kontrata ni Riza, humanap ang MINT ng kapalit nito.
At ang napili ng MINT ay si Cristine Reyes, na tuwang-tuwa sa kanyang pagkakapili.
“Ngayong ay masusuot ko na lahat ng gusto kong damit nang lib­re!” pabiro pang bulalas ni Cristine nang pumirma ng kontrata sa MINT kamakailan.
Naniniwala ang MINT na iinit nang husto si Cristine oras na ipalabas ang teleserye nitong Eva Fonda.
Ang MINT ay availa­ble sa lahat ng SM malls at piling Robinson’s malls nationwide.

abante tonite

luis manzano, sasabak sa gay role


Luis Manzano

Luis Manzano

‘A Mother Story’ ang titulo ng comeback movie ni Batangas Governor Vilma Santos sa Star Cinema. Makakasama ng Star for All Seasons sa pelikula ang kanyang anak na si Luis Manzano at ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Inabot halos ng dalawang taon ang pagpaplano ng naturang pelikula dahil nagkaroon ito ng revisions sa script at sa pagpili ng cast.

Gay roles ang gagampanan ng lead actors, kaya nang una itong inalok kay Luis, tinanggihan ito ng aktor.

Nang makausap ng SM si Luis, nabanggit niyang kaya niya ito tinanggihan dahil wala pa naman daw script na ipinapakita sa kanya. Ipinaliwanag lang daw sa aktor ang gagampanan niya at dahil matindi ang gagawin niya sa pelikula, aminado si Luis na naging hesitant siya.

Pero nang mabasa niya na raw ang script, napapayag na rin ang aktor na gawin ang pelikula.

“Wala pa kasi silang script nu’ng sinabi nila sa akin ang project,” pahayag ni Luis. “Pero nu’ng mabasa ko na ‘yung buong istorya, okay na sa akin.”

Dagdag pa ng aktor na hindi naman daw all-out gay ang role nila ni John Lloyd sa pelikula.

“Straight acting pa rin naman kami dito, eh,” aniya.

showbizmanila.com

ehra madrigal nagkasakit sa likod sa laki ng boobs!


Ehra Madrigal

PINAGPALA si Ehra Madrigal na magkaroon ng malulusog na dibdib.

Pero, may disadvantage din kay Ehra ang malaking bumper.

Kasi, may tendency maging hukot ang kanyang tindig.

Ani Ehra sa presscon ng Scaregivers: “Nung teenager pa ako, nahihiya ako sa mga kaklase ko na mapansin na malaki ang boobs ko.Kaya hinuhukot ko ang posture ko. Masama pala iyon, nagkakaroon na ako ng back pain ngayon. Kailangan ko ang physical therapist  at trainer sa gym para ma-correct ang posture ko.”

Kahit may magandang mukha at katawan ngayon si Ehra,  conservative siya pagdating sa pag-ibig.

Alam ba ninyong five years na ang relationship nila ni DJ Mike ng grupong Sabado Nights?

Sabi ni Ehra, nagtatagal sila ni Mike dahil very understanding si lalaki  sa kanyang career.

Pero kapag may mga delikadong eksena siyang ga-gawin ay kinukunsulta muna niya si DJ Mike.

Wala namanitong angal sa kanyang pagpapaseksi, kahit pa may kissing scene at bed scene siya sa kanyang mga ginagawang projects.

Nauunawaan ng dyowa ni Ehra na arte lang  ang kanyang ginagawa.

Launching movie ang Scaregivers ng comic tandem na sina Jose Manalo at Wally Bayola ng Eat Bulaga kung saan isa sa leading ladies si Ehra.

Kasama rin sa cast sina Iza Calzado at Paolo Contis.

noel asiñas/journal online

finding liz alindogan


liz-alindoganmatunog ang pangalang LIZ ALINDOGAN sa pagputok ng dekada 80, isa kasi siya sa napiling makasama sa DOLPHY’s ANGELS , napili rin siya ni FPJ bilang leading lady sa unang PANDAY series na sinundan ng maraming proyekto hanggang sa magkaanak siya kay JESS LAPID JR.  sa kalagitnaan ng dekadang iyon pa rin at matapos silang maghiwalay ni jess, sumabak siyang muli sa pelikula but this time, bilang isa sa mga pinamagandang BOLD STARS.  pinilahan ang ‘company of women’ niya sa ecp at ang iba pa nyang pinagbidahang palabas tulad ng ‘eden’, ‘soldier’s wife’, ‘and the world became flesh’, atbp.  nagtangka siyang magprodyus sa pamamagitan ng ‘the diary of vietnam rose’ na naudlot dahil sa pangwawalanghiya ng mga tauhang kanyang pinagkatiwalaan.

nag-asawa siyang muli at ngayon ay masaya sa kanyang tahimik at masaganang pamumuhay somewhere in parañaque.  kasama niya sa larawan ang dalawa sa kanyang anim na anak,  (nasa likod) sina don paulo (isang nurse at magaling na singer), at si iven (anak nila ni jess, na isang masscom graduate); katabi niya sina tanya garcia at leonard lapid.

deither ocampo, kapuso na!


diet
Lumipat na nga si DEITHER OCAMPO sa GMA7 makaraan ang ilang taong pagiging isang kapamilya.  Kawawakas lamang ng kanyang pinagbidahang ‘IISA PA LAMANG’ sa ABSCBN2 kung saan ay nakasama niya sina Claudine Barretto, Gabby Concepcion at Angelica Panganiban.  Tinatayang isa siya sa mga bidang tampok sa inangkop na koreanobelang ‘All About Eve’ matapos siyang pumirma ng long term contract sa GMA NETWORK. Ayon sa balita, si Diet mismo ang nagprisinta sa kanyang sarili bilang isang ‘independent artist’ sa nasabing istasyon.

prewar actresses


FAP Website trivia master Tante de Ramos writes about the actresses who glittered during the pre-war years of the 1930 and 1940s. Herein are 29 actresses listed alphabetically:

Alma Bella – She starred in Punyal na Ginto, one of the earliest talkie in the then fledgling Philippine cinema.

Norma Blancaflor – The country’s best actress awardee in 1940 for the film Dalaga, Isang Ngiti Mo Lamang with co-starred her with Ely Ramos.She also appeared in Binibini ng Palengke, Hatinggabi, Sa Dating Pugad and Bawal na Pag-ibig. In Binibiro Lamang Kita produced by Philippine Films and directed by Carlos Vander Tolosa, she again co-starred with Ely Ramos with a supporting cast othat included Narding Anzures, Lilian Velez, Nati Rubi, Florentino Ballacer, Pugo and Togo. In 1948, she appeared in Huling Dalangin for LVN Pictures Inc. She was one of the veteran actresses who were conferred the Walas Kupas award in 1982.

Elizabeth ‘Dimples’ Cooper – Famous for appearing in one of the first kissing scenes in Philippine cinema (with partner Luis Tuason in the film Ang Tatlong Hambog, produced by Jose Nepomuceno), Ms. Cooper starred in the silent movie Miracles of Love which was produced and directed by Vicente Salumbides, also her co-star in the film.

Naty Fernandez – She made Lilies of Benguet with co-stars Carlos Padilla Sr., Gregorio Fernandez, Salvador Tinsay, Nora Linda and Salud del Valle. The movie, produced by Malayan Pictures, was entirely shot in Baguio, the country’s summer capital. She also starred In The Miracle of the Virgin of Antipolo with Hector Nieto and Nena Warsan for Jose Nepomuceno.

Lina Flor – A radio-talent-turned-movie-actress, she starred in Kundiman ng Puso with Rudy Concepcion and Francisco Monroy, under the direction of Eduardo de Castro. The film was produced by Philippine Films.

Adela Flumkers – She starred in Diwata ng Karagatan, starring opposite Mari Velezano and the legendary Rogelio dela Rosa. The film was directed by Carlos Vander Tolosa for Parlatone Hispano-Filipino.

Arsenia Francisco – Known as the better half of Jose Padilla Jr., Ms. Francisco starred the the following films–Azucena, Ave Maria, Sa Oras ng Kasal, Pangako na Puso and Sa Hirap at Ginhawa. Her loveteam partner was no other than her real life partner Jose Padilla Jr. Her other films included the swashbuckling movie Guerrero (directed by Teodorico C. santos for Premiere Productions) with Johnny Montelro in the title role. The cast also included Eddie del Mar (who will portray the role of Jose Rizal later on) , Edna Luna, Ramon D’Salva, Ruben Rustia, Nello Nayo, Purita Alma and Vicente Liwanag.

Rebecca Gonzales– Another Walang Kupas awardee in 1983, Ms. Gonzales appeared in such films as Pista ng Nayon (with Jose Padilla Jr, Tessie Quintana and Victor Sevilla under the direction of Manuel Silos); Mutya ng Pasig; Waling Waling (with Jaime dela Rosa as her leading man); and Gitano (with Jaime dela Rosa again and Delia Razon under the direction of Manuel Silos again). All these films were produced by LVN Pictures,Inc.

Lucita Goyena –Her first film in 1937, Teniente Rosario, starred her with Rogelio dela Rosario. She also appeared in Leron-Leron Sinta and Dalagang Pilipina. In the film Punit na Bandila (1940), she co-starred with Fernando Poe Sr. Because of the film, she was Movie Queen while FPS was proclaimed Movie King. She also appeared in Pugad ng Agila, Palaboy ng Diyos, Duyan ng Magma-mahal, Alaalang Banal, Tinik ng Isang Bulalak, Alipin ng Alila, Vida Alegre and Biyak na Bato. She was also a Walang Kupas awardee in 1982.

Hanasan –This one-name actress was in real life Aurelia Hallado, a vodabil and stage actress who performed at the Savoy and the Manila Grand Opera House with Atang dela Rama. She appeared in the comedy movie Ang Landas ng Kayamanan with Enrique Davila, Atang dela Rama and Vicente Ocampo.

Amparo Karagdag – She debuted in Angel ng Tukso opposite Carlos Padilla Sr. and Nemesio Caravana, a poet-novelist-journalist-actor who appeared in a lot of swashbuckling films which mostly starred by Efren Reyes Sr. and Johnny Monteiro. Angel ng Tukso was produced and directed by Vicente Salumbides who took specialization courses in acting and directing in the United States.

Mona Liza – Originally known as Flor de Lis, Mona Liza appeared in the 1938 film Bahay Kubo with Fely Vallejo, Rogelio dela Rosa and Ernesto Vallejo. She also made Giliw Ko (1939) with Mila del Sol, Fernando Poe Sr., and Ely Ramos.

Luningning – She appeared in the films Ang Hinapon (produced by Parlatone Hispano-Filipino). Bayan at Pag-ibig (produced by Excelsior Productions) and Punit na Bandila (produced by Exotic Films where she co-starred with Fernando Poe, Sr..and Lucita Goyena). Her other films included Ang Lilim ng Lumang Simbahan, Siyudad sa Ilalim ng Lupa, Prinsipe Paris and Ang Kaban ng Tipan.

Ester Magalona – She first appeared in the film Ibong Adarna (1941) with co-stars Fred Cortes Sr., Mila del Sol, Vicente Oliver, Deanna Prieto and Ben Rubio. This was directed by Vicente Salumides for LVN PIctures. She also made Doon Po sa Amin(1946)—the initial presentation of Mabuhay Pictures under the direction of Manuel Conde—wiyh Carlos Padilla, Sr., Elvira Reyes and Leopoldo Salcedo She also appeared in Kayumanggi with Leopoldo Salcedo and Nora Madrid as produced by Premiere Productions,Inc, and directed by Pol Salcedo.

Rosario Moreno – She first appeared Diwata ng Karagatan which was produced by Parlatone Hispano-Filipino. This was followed by Luha ng Ina with Carlos Padilla. Other Parlatone Hispano-Filipino films starring her included Paanan ng Krus and Pusong Dakila. At Sampaquita Pictures, she made Inang Mahal, Alipin ng Palad and Mapait na Lihim (with Rudy Concepcion). She also starred in Dating Sumpaan and Mahal Pa Rin Kita for Excelsior Pictures. She married actor Fernando Royo.

Corazon Noble – Known as the mother of Jay Ilagan, Ms. Noble appeared in Kahapon Lamang, Mariposa and Estrelita with leading man Angee Emeralda, her reel and real life partner. She was the elder sister of another movie star at LVN Pictures, Carmencita Abad.

Elsa Oria – An actress-singer of the pre-war years, Ms. Oria starred in Madaling Araw and Bituing Marikit. Both films were later remade. Her perennial leading man was Ely Ramos.

Rosario Panganiban – A beauty queen, she appeared in The Soul Saver with Vicente Salumbides who later became her husband. The Soul saver was directed by her leading man for his own Salumbides films.

Paraluman – Active until the late 1950s, Paraluman appeared in such movie as Flores de Mayo in a supporting role opposite Fernando Poe, Sr. She also appeared in Huling Dalangin for Sampaguita Pictures. Her other films included Veronica, Baby Face and Lydia. Tweo generations of actresses followed her footsteps—her daughter Baby O’Brien and grand daughter Rina Reyes.

Deanna Prieto – She starred in Ibong Adarna (1941) with Mila del Sol, Fred Cortez Sr., Ester Magalona, Vicente Oliver and Ben Rubio. It was directed by Vicente Salumbides for LVN Pictures, Inc.

Atang Dela Rama – The original Queen of Kundiman, she appeared in Dalagang Bukid, a silent movie which was produced by Jose Nepomuceno who is acknowledged as the Father of Filipino Movies. She was also a stage performer in zarzuelas because of her good singing voice. After a long respite, she starred in Ang Landas ng Kayamanan with Vicente Ocampo and Hanasan. She also starred also in Mahiwagang Binibini where Carmen Rosales was introduced by Diwata Films. She also appeared in Mga Batong Buhay (with Leopoldo Salcedo and Paraluman), Siga-siga (in a mother role) and Ang Buhay at Pag-ibig ni Dr. Jose Rizal where she played the role of the mother of the national hero. She was made a National Artist for her cultural achievements and a Walang Kupas awardee in 1982.

Rita Rica – She appeared in the film Himala ni Bathala with Mary Walter, Gregorio Ticman and Pedro Faustino under the direction of Eduardo de Castro.
Her other film was Hagase Tu Voluntad with Norma del Rosario, Juanita Angeles and Domingo Prinsipe which was directed by Agapito Conchu for Philippine Films.

Rosita Rivera – Shortly before the War broke out, Ms. Rivera starred in several films that included Makiling, Namumukod na Bituin, Kalbaryo ng Isang Ina, Monghita, Ikaw ang Dahilan, Ang Magmamani and Bago Lumubog ang Araw. In the film Ilaw ng Langit, she co-starred with Jose Padilla Jr. She even made a comeback in the 1950s in Sapagka’t Mahal Kita where she again teamed up with Jose Padilla Jr. and a supporting cast that included Tessie Santos, Manuel Barbeyto, Consuelo P. Osorio, Metring David, Antonia Santos, Lirio Yabut and Ed Regal. It was directed by Consuelo P. Osorio for Fremol Pictures and was released through Deegar Cinema, Inc. Dina Bonnevie is her granddaughter.

Carmen Rosales – One of the greatest superstars of Philippine cinema, she was the other half of the greatest loveteams that ever graced Philippine screens. Her equally great loveteam partner was Rogelio dela Rosa. They co-starred in such films as Colegiala, Lambingan, Senorita, Tampuhan, Panambitan, Ang Tangi kong Pag-ibig, Lydia, Takipsilim and Diwa ng Awit. Her other films included inspirasyon (with Norma Vales, Van de Leon, Katy dela Cruz and Ric Rodrigo who was introduced), Si Si Senorito (with Oscar Moreno and Fred Montilla) and MN (with Cesar Ramirez, Alicia Vergel and Oscar Moreno). All three films were produced by Sampaguita Pictures, Inc. She was proclaimed Miss Radio of 1938. In 1939, she made films for Excelsior Productions like Arimunding-Munding She also made Gerilyera (with Celso Baltazar). During the war, she even shot a movie for the Japanese, Tatlong Maria. National Artist for Film Eddie Romero directed her in Hindi Kita Malimot and Kaaway ng Bayan with Leopoldo Salcedo as her co-star. She also made such outstanding films like Maalala Mo Kaya?, Kampanang Ginto, Camella and Batalyon Trece (with Jaime Dela Rosa). She teamed up with Ely Ramos in Palikero in 1941 and Selosa in 1948. She also co-starred with Jose Padilla Jr. in Sipag at Yaman and Probinsiyana for Premiere Productions, Inc. She was a Walang Kupas awardee in 1982.

Rosa Del Rosario – She first appeared in the silent movie Ligaw na Bulaklak. She formed a loveteam with Leopoldo Salcedo and they made such films as Biyaya ni Bathala, Kalapating Puti, Ligaw na Bituin, Ang Kumpisalan at Ang Batas, Dalagang Silangan, Neneng Ko, Walang Sugat, Magpakailanman, Tandang Sora, Kundiman ng Luha and Panata ng Puso. She co-starrewd with Regelio dela Rosa in Bulaklak at Paruparo for Premiere Productions, Inc. She also starred in Ilang-Ilang for LVN Pictures, Inc. in 1941. She was the first actress to portray the role of Darna with Cristina Arayon as Valentina, (the snake woman) under the direction of Fernando Poe Sr.. Her second Darna film was Darna At ang Babaing Lawin with Elvira Reyes (as the hawk woman) uinder the direction of Carlos Vander Tolosa. The films were both produced by Royal Productions of Fernando Poe Sr.. She also appeared in foreign films like An American Guerilla in the Philippines, Anna and the King of Siam and Border Bandit. She was also acknowledged as the Queen of the Philippine Movies.. In 1980, she was conferred the Walang Kupas award. Her other films included Lantang Bulaklak (with Rogelio dela Rosa), Zamboanga (with Fernando Poe Sr.),Ang Birheng Walang Dambana, Dr. Kuba and Walang Sugat.

Consuelo Salazar – A natural soprano, she made Ang Maya, the initial presentation of Excelsior Film.

Mila del Sol – In 1939, she appeared in Ang Giliw Ko opposite Fernando Poe Sr., Ely Ramos and Fleur de Lis (Mona Liza). She also appeared in the 1941 version of Ibong Adarna with Fred Cortez Sr., Ester Magalona, Vicente Oliver, Deanna Prieto and Ben Rubio under the direction of Vicente Salumbides. She also made Sawing Gantimpala (1940). All these films were produced by LVN Pictures, Inc. She was a Walang Kupas awardee in 1982.

Fely Vallejo – Another actress who could sing, she appeared in Bahay Kubo with Rogelio dela Rosa, Fleur de Lis (Mona Lisa) and Ernesto Vallejo (her real-life brother) under the direction of National Artist for Film Gerardo de Leon for Parlatone Hispano-Filipino. She also appeared in Ay,Ay Kalisud where she also sang.

Mary Walter – She was busiest as a lead actress of silent pictures which included Don Juan Tinoso, Ang Lumang Simbahan, Dimasalang and Ang Gayuma with Gregorio Fernandez as her loveteam partner. Gregorio Fernandez (father of Merle fertnandez and Rudy Fernandez) later became a prolific director for LVN PIctures. Up to the 1960s, she was still appearing in grandmother or mother roles or family matriarch. She was a 1982 Walang Kupas awardee.

fapweb

eugene domingo , nagreak sa blind item


Nag-react si Eugene Domingo sa blind item namin. Ito ‘yung tungkol sa isang komedyanang nanakawan ng cellphone at ang pinagbintangan ay ang kasama niyang young actor.

Aware daw si Eugene na siya ang tinutukoy sa blind item. At aminado rin ito na nanakawan talaga siya ng cellphone nu’ng ginagawa nila last year ang indie movie na Foster Child kunsaan kasama niya si Jiro Manio, ang young actor naman na tinutukoy namin sa blind item.

“Totoong nanakawan ako ng cellphone,” banggit ni Eugene. “Pero wala naman akong pinagbibintangan.”

Magkasama silang muli ni Jiro sa pelikulang Ang Tanging Ina N’yong Lahat at pinabulaanan ni Eugene na nagpaparinig siya sa kanilang mga kasama na ingatan ang kanilang mga gamit dahil baka mawala ang mga ito.

“Mahal ko si Jiro. Sobrang mahal ko ang batang ‘yan,” sabi pa ni Eugene. “Kaya, bakit ko naman gagawing pagbintangan siya ang kumuha ng cellphone ko?”

Pahabol pang biro komedyana, “Saka, nu’ng 1952 pa ‘yang blind item na ‘yan, ‘no!”

Si Eugene ang host ng bagong TV show sa TV5 na Ha-Ha-Hayop na magpapalabas ng mga nakakatawang video ng iba’t ibang hayop.

rommel placente/showbiz manila