sexy pictorial ni mariel rodriguez, niretoke


Si Mariel Rodriguez ang December cover girl ng FHM. Pero ayon sa ‘Wowowee’ girl, hindi raw career move ang ginawa niyang pagpo-pose sa naturang men’s magazine. Napapayag lang daw siya dahil gusto niyang tulungan ang lingerie business ng kapatid kunsaan siya ang image model.

Matagal na raw nililigawan ng FHM si Mariel. Hesitant lang daw ang ABS-CBN talent dahil kilala ang men’s magazine na ang pini-feature na mga model ay mga seksi talaga. Ang assessment daw sa sarili ni Mariel ay hindi siya seksi at wala rin siyang sexy image.

Nakakatuwa lang si Mariel dahil kung ang ibang celebrities at models na nai-cover na ng FHM ay kadalasan na itinatangging nireretoke ang kanilang pictorials, aminado naman ang dating kapitbahay ni Pinoy Big Brother na may na-enhance sa mga kuha niya.

Lumaki raw kasi ang boobs niya at maski siya ay napansin niya raw ‘yon.

“Pero I’m proud of it!” sabi pa ni Mariel. Pero konti lang naman daw ang niretoke sa dibdib niya.

“Parang sa totoong buhay, hindi siya ganyan,” dagdag pa ng TV host. “Kaya I’m very thankful talaga sa technology.”

Pero kahit daw nag-pose na siya nang sexy, gusto pa rin ni Mariel na i-retain ang sweet at kikay na image niya.

Report by ShowbizManila Staff

One comment on “sexy pictorial ni mariel rodriguez, niretoke

  1. sexy pictorial ni mariel rodriguez, niretoke

    lahat naman ng magazine at commercial photo nireretoke ang actual picture. please lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s