mocha girls, binastos ng kitty girls


Mocha Girls

Matapos malampasan ang ilang issue na ipinukol sa kanila ng isang tabloid daily, heto na naman at pinuputakti ng intriga at tira ang sexy singing group na Mocha Girls.

Matatandaang umuwing tuwang-tuwa ang grupo galing Guam kamakailan, at punumpuno ng pag-asang lalong gaganda pa ang pasok ng suwerte nila pagsabak muli sa trabaho sa ‘Pinas.

Maliban sa launch ng kanilang sophomore album ilang linggo na ang nakararaan, mga regular gigs, endorsements, at higit sa lahat ang pelikulang pinagbibidahan ng grupo kasama sina Mark Gil at Joross Gamboa, ang Sumpa, magkakaroon din ng gig sa USA ang Mocha Girls sa February.

Kitty Girls

Sa rami ng raket ng grupo ay hindi nga maikakailang natamo na nila ang rurok ng tagumpay na matagal nang hinahangad. Nakuha na rin nila ang respeto ng mga tao sa kanilang kakayahang magbigay ng saya sa pamamagitan ng kanilang musika at nakakaindak na choreographies.

Ngunit katulad ng karamihan na artists na tumatamo ng tagumpay sa kanilang mga larangan, hindi mapipigilang pukulin din sila ng intriga, patutsada at mga tira.

Wika nga, ‘Hindi maiiwasang pukulin ng bato ang bungang nasa itaas, at nagsisilbing tukso sa mata ng tao…’

Nag-umpisa sa Bluewave, Macapagal kunsaan nagkaroon ng showdown ang grupo laban sa Kitty Girls, hindi inaasahan ng Mocha Girls na ‘yon na ang umpisa ng kumpetisyon sa dalawang grupo.

Sa nasabing showdown, malugod na tinanggap ng Mocha Girls ang palakpakan at sigawan ng mga tao na sambit ang kanilang pangalan. Bagay na lalong nagpatindi sa kumpetisyon ng kani-kanilang mga grupo.

Hindi pa nagtapos sa Bluewave, nagkaroon muli ng pangalawang showdown ang grupo sa Koronadal, sa Mindanao. Sa pre-concert promotions sa radyo sa nasabing probinsiya, sinambit umano ng Kitty Girls on-air na front-act lamang nila ang Mocha Girls sa tonong hindi nagustuhan ng management nila, dahil nagtawanan pa ang grupo.

Marahil ay iisipin ng ibang tapos na ang issue…mali!

Ang matindi pa nito’y mayroon pang taong umangkas sa van ng Mocha Girls. Buong akala ng grupo’y kinatawan ito ng production group sa nasabing Koronadal show.

Nakipagtsikahan, kodakan at kung anu-ano pa ang nasabing tao sa kanila habang bumibiyahe. Nagtagal din ito sa dressing room nila.

Kamukat-mukat sa kanilang pagtatanong ay nalamang PA (production assistant) pala ito ng Kitty Girls!

Para sa grupo, hindi ito nagkataon lamang. Pero dahil sila’y sport sa lahat ng bagay, pinagpatuloy pa rin nila ang kanilang pagtatanghal na animo’y walang nangyaring masama.

Nagpatuloy ang umano’y ganitong pagtrato noong Octoberfest 2008 sa San Miguel compound. Naunang nagtanghal ang Kitty Girls bago ang Mocha.

Sa kabiglaanan ng lahat, agad na nagpaalam na umano ang Kitty Girls sa mga tao na wari’y wala nang kasunod pang magtatanghal. Ayon nga sa ilang nakasaksi, malinaw na pambabastos ‘yon sa Mocha Girls.

Ayon naman sa huli, hindi sila nagtatanim ng galit kanino man. Ang nais lang nila’y maging patas ang laban.

Sa kasalukuyan ay wala pang nakukuhang sagot sa panig ng Kitty Girls ngunit bukas ang site na ito sa anumang kasagutan na ibibigay nila sa isyung ito.

Report by ShowbizManila Staff

One comment on “mocha girls, binastos ng kitty girls

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s