Matagumpay na nairaos ang 4th Cinema One Originals Awards kahapon sa Dolphy Theatre, ABS-CBN Compound, sa Quezon City. Pitong pelikula ang naglaban-laban sa technical and acting awards na lahat ay produce ng Cinema One.
Simple lang ang okasyon pero marami pa ring artista ang dumalo at nakibahagi.
Ang mga pelikulang naglaban-laban ay Yanggaw, Imburnal, UpCat, Alon, Kolorete, Dose at Motorcycle.
Nakopo ng pelikulang Yanggaw ang lahat halos ng awards. Tig-tatlo ang Alon at Imburnal. Isa naman sa Kolorete.
Mangiyak-ngiyak si Charee Pineda nang tanggapin niya ang kanyang first acting award para sa Alon. Hindi raw siya nag-expect na mananalo dahil magagaling ang mga nakalaban niya sa Best Actress category.
Tie naman sa Best Actor sina Ronnie Lazaro para sa pelikulang Yanggaw at Mark Gil sa Alon. Ngunit wala ang huli para tanggapin ang kanyang tropeyo.
Absent din si Joel Torre na nanalong Best Supporting Actor (Yanggaw) samantalang tuwang-tuwa namang tinanggap ni Tetchie Agbayani ang Best Supporting trophy niya.
Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.
Best Picture – Imburnal
Best Actress – Charee pineda (Alon)
Best Actor – Mark Gil (Alon) at Ronnie Lazaro (Yanggaw)
Best Suppoting Actress – Tetchie Agbayani (Yanggaw)
Best Suppoting Actor – Joel Torre (Yanggaw)
Audience Award – Yanggaw
Special Jury Prize – Yanggaw
Best Director – Richard Somes (Yanggaw)
Best in Sound – Joey Santos, Eduardo Velasquez (Yanggaw)
Best in Production Design – Wilfredo Calderon, Kat Compuesto, Maisa Demetillo (Kolorete)
Best in Cinematography – Geo Lamen, Jose Fiola, John Torres (Imburnal)
Best Screenplay – Sherad Sanchez (Imburnal)
Best Editing – Borgy Torre (Yanggaw)
Best Musical Score – Leujim Martinez (Alon)
rodel fernando/showbizmanila.com