lusot kaya sa censors ang piolo-angel lovescene?


Angel Locsin

Piolo Pascual

Tiyak na maninibago ang fans ni Angel Locsin kung mapapansin nila na medyo umitim ang aktres. Intentional daw na ginawa ‘yun ni Angel para sa character niya sa pelikulang Land Down Under ng Star Cinema.

Isang magbubukid ang role ni Angel sa naturang pelikula, kaya banggit niya, “Ayoko namang magbubukid ako, ang puti-puti ko, ‘di ba? Nagpaitim kami talaga ni Piolo (Pascual, ang kanyang leading man) dito.” Nag-enjoy naman daw si Angel sa role niya.

May lovescene sina Piolo at Angel sa Land Down Under na tiyak daw na magiging sentro ng usapan.

Kuwento pa ni Angel, “Kung ‘yung nagawa ko dati sa The Promise (with Richard Gutierrez) na matindi na, mas matindi pa do’n ‘yung eksena namin ni Piolo dito. Pero maganda naman ang pagkakagawa ni Direk Rory (Quintos). Basta, panoorin n’yo na lang.”

Pero wish ni Angel na makalusot ang eksena sa Movie and Television Classification Board (MTRCB) para raw makakuha sila ng General Patronage na rating.

Opening salvo ng Star Cinema ang Land Down Under sa January 2009. Magkakaroon naman ito ng world premiere next month.

ShowBizManila.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s