sEPARATED@bIRTH : KIM CHIU & YNEZ VENERACION


Kung hindi pa sa pelikulang palabas ngayon na THE HEALING ni KIM CHIU  , hindi ko sana mapapansing mayroon siyang ka-peg na sexy star of the 90s (?)!  Yes, Ms. Chiririt Misomiso … buong akala ng karamihan na yaong nasa trailer kung saan ay nag-elongated to look back ang leeg ni Kim ay si YNEZ VENERACION!  Well, seguro dahil sa marami silang pagkakahawig : parehong chinita ; pixie faced na ‘almost’ heart shaped; parehong mahahaba ang biyas.  Ang medyo lamang ni Ynez ay ang kanyang oozing sexiness which is not present in Kim’s persona.  Mas magaling din na artista si Ynez enfurnez (pun intended) ; while Kim still has to exert more muscle on this department.  Separated@Birth? KIM CHIU & YNEZ VENERACION!

Mag-iwan ng puna