DOOMED from day 1, finally mawawala na sa ere ang ipinantapat ng ABSCBN sa EatBULAGA! na HAPPY YIPEE YEHEY.  Last airing na nila sa Pebrero a-kuwatro sa pamamagitan ng isang ‘pilit’ na pabonggahing grand finals ng contest kung saan ay binabalahura ang kontestants na MY GIRL.  Mag-iisang taon na sana ang minalas na show sa Pebrero 11, nguni’t dahil sa kakulangan ng karisma, production value at hosting creativity kinailangan na itong kitilin upang hwag nang makapambastos pa ng mga kababaihan o ng sambayanan on a macro scale.  Marahil ay desperado na ang management ng ABS na tapatan ng isang matino , wholesome at noontime show na mamahalin ng mga targeted viewers nila at higit sa lahat masulot ang ilang milyon man lang ng mga EB dabarkads.  Inakala nilang ang paghukay sa namayapang hosting skills nina JOHN ESTRADA, RANDY SANTIAGO na dating nakasama rin sa isang yumaong noontime show nila with WILLIE REVILLAME ay magbibigay sigla sa adhikain nilang makapag-sustain ng kahit limang taon sa ere , ngunit ang lahat ng ito ay nabigo.  Dinagdag din nila si RICO J PUNO na wala rin namang puedeng ihandog kundi mas malalang kalaswaan at pahapyaw na downright kabastusan.  Feeling din nila na ibalik si TONI GONZAGA sa tanghali (na SUMIKAT sa EatBulaga bago siya lumipat sa dos) ay makapagboast nito , nguni’t lalo silang nabigo… idinagdag pa nila ang isang rekwang DAUT CREATURES na sina POKWANG, MELAI and kung sinusino pa to no avail for reconsideration.  Dapat ang sungkitin nila ang mismong ang mga nagpapatakbo sa EatBulaga (na minsan na ring umere sa kanilang channel dekadekada na ang nakalipas), which of course is prepostereous.  SHOWTIME na raw ang itatapat nila sa EB… well, magbilang na sila ng airing days at tiyak raw ay machuchugi na rin ito. Tsk Tsk Tsk…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s