Mula nang masumpungan ng Aliwan Avenue na mag-aartista ang magandang anak ni Rey Abellana, hindi naming siya tinantanan. Pinilit naming alamin ang lahat tungkol sa kanya at kung nais ninyong matunghayan ang mga sinagap/kinalap at sinulsing mga post ay mangyari lamang na i-search ang pangalang ‘Carla Abellana’ sa ‘balikbiyahe box’. Sa totoo lang kasi isa siya sa pinakamagandang mukhang nasilayan ng pelikulang Pilipino sa loob ng matagal na panahon. Maayos, nagtapos muna ng pag-aaral bago nag-artista. At ayan nga at sikat na sikat na siya ngayon mula nang bigyan ng break ng GMA network. Ngayon, kasama na naman kami ni Carla sa kanyang paglipat sa ABSCBN. Inaasahang kakaibang timpla ng pag-aalaga sa artista ang kanyang mararanasan na tiyak na ikasisiya ng kanyang mga tagahanga. Hindi malayong sa konting panahon ay kikilalanin si Carla bilang isa sa mga pinakasikat na artista ng kanyang panahon!



















yay!