Inaamin ko aliw ako sa kabaduyan. Kasi napaka-grounded ng dating at walang pretensyon. Pero nang finally ay maligaw kami ng aking kapatid at kaibigan sa ISDAAN , Calauan Laguna branch (meron din sila sa Tarlac) ay isa lang ang aking nasambit : SUPERBADUY! O.A. sa konseptong patsi-patsi na parang pinaghalong disenyong Asyano at kabalbalan. Nguni’t gayon pa man, sadyang napakaraming baduy dito sa atin kaya , ayon, dinudumog talaga siya. Mangingisay ka rin sa kalituhan kung bakit may mga mala-karnabal na maskots na paikut-ikot! Something for the kids to enjoy momentarily until they feel dizzy and disoriented kung ano ang ginagawa nila doon! At bigla na lang na may susulpot na grupong nag-aati-atihan! Habang nasa kubo ka o sa iyong hapag, mayroong mang-haharanang mga hip-hop sa’yo na kailangan bigyan mo ng bente pesos. Marami ring mga ista-istatwang nagkalat tulad ng ke Erap, ke Cory, etc… Kung naka-high heel ka naman, ‘wag ka nang magventure papaloob doon sa lakarang nakahilerang kawayan at tiyak paika-ika ka ! Napaka-ingay ng lugar dahil kabi-kabila ang show.
Sa pagkain naman, nag-order kami ng KAREKARE … karekareng makunat! Ang kunat ng baka at ang sauce ay wala lang, lasang maning-mani. No comment na lang sa iba pang inorder namin dahil BLAND naman lahat kaya ano pang sasabihin mo kundi ‘walang lasa’. May kamahalan pa! Malamang mas masarap pa ang pagkain dun sa ENCANTO CARENDERIA sa harap nito mismo! Kailangan mo ring mag-order ng deboteng tubig dahil kung hindi galing sa poso ang iinumin mo. Hindi satisfying ang food. Period.
Sa rating na 1-5, bibigyan ko ang ISDAAN SA CALAUAN ng isang nakasimangot na 2… for the effort!


















tunay ka! napakagulo ng lugar na yaan at hindi kasarapan ang pagkain. baken kaya? may nakalagay pa namang ‘baryo fiesta’.
yung sa tarlac maraming daga!
OPO mas malasa ang pagkain sa ENCANTO CARENDERIA sa harap mismo ng isdaan… lalo na ang kanilang caldereta the best po!
mga t@nga kayo!! mg walang magawa
siguro kayo ung mga walang kwentang natanggal na empleyado noh.. mag tino kau para maging aus buhay nyo mga bobo
AH buti naman at may kwenta ka wala nga laang taste ha? behang beah biya? kumusta naman diyan sa inyo sa calamba? ikaw ang bobo na mabaho pa ang harap.
Honestly, the place oozes with kitsch.
This is actually an honest account of a customer. A customer is always right therefore any reaction to such a public place such as ISDAAN in Laguna is very much welcome. The matter is well-taken and apologies to the discomfort. Thank you.
SYEMPRE KUMIKITA ANG ISDAAN DAHIL NAPAKARAMI PA RING BADUY NA PILIPINO! NABUBUHAY SILA SA KABADUYAN ! MABUHAY ANG KABADUYAN!
OK naman ang service nila sa min. Friendly ang crew at masarap ang food.
… enjoy ang mga bata pero hindi na namin pinakain ng inorder naming food kasi halatang bugbog sarado ng VETSIN! hilong hilo kami after kumain. delikado sa mga bata ang food preparations nila.
masarap sana ang pagkain..yun nga lang bago dumating yung order namin eh patay na kami sa gutom..5pm kami na assist ng waiter para sa kubo namin na may mga kalat pa,30mins bago pa yun nalinis,another 45mins pa ba dumating yung food..hindi din maganda kung isang romantic dinner date ang habol don..pag kagat ng dilim madaming ufi na nagliliparan at bago ka pa matapos kumain puro pantal na braso at hita mo,,kung takot sa palaka wag mamangka sa gabi,kasi ang angkan ni kermit nag aabang sa ilalim ng tulay..
kumain kami jan sa Isdaan, talagang super bagal ng service, order namin sinigang n baka, after more than an hour hayun dumating sinigang n hipon. wala kami magawa kumain n lang dahil sa tindi n ng gutom…masarap nman ang kare-kare seafoods nila, ayusin lang ang service. halatang walang proper training ang mga staff…
actually the first time we got there we, never experienced anything! kasi sa sobrang dami ng guest hindi na kami nakakain sa isdaan instead lumipat nalang kami ng ibang resto. verry frustrating kasi medyo may kalayuan ang byahe namin and yet hindi kami nakakain dun.
about the set up, i must say baduy nga sya at O.A pero pwede rin naman nating sabihing “KAKAIBA” siguro ganon sya nakita ng ibang tao kya sya dinudumog ngayon!
I should include this place on my visit to luzon next week and will post my honest comment.
my daughter-in-law brought me there last weekend and we found it to be so crowded. i found out that most of those who go there are curious with whats happening inside. the food tastes ordinary and there so many things going on that can be so distracting. i guess it is its novelty and kabaduyan as you would call it that attracts people who have mababaw na kaligayahan. the nearby KAMAYAN SA PALAISDAAN is more peaceful , well prepared food and less stressful ; it was there where i had a pleasant time.
Mga Tsong at Tsang, pareparehas pala tayo ng experience dyan sa hinayupak na lugar na yan. My wife and I went there last night… Very frustrating indeed!!! We ordered some food, biro mo after almost 1 hour of waiting hindi pa rin dumadating yung main course namin na grilled liempo. I checked with the waitress (Kath) who took our order at nabigla pa sya at nagulat kasi di pa pala na se serve yung food namin. Kunwari umalis to check pero di na bumalik so I had to discuss the matter with the other waitresses and waiters. They said mukhang di talaga nai-order ng incompetent nilang kasama yung grilled liempo… I insisted to call her, I told them to cancel the order plus the rice they initially served.. This “Kath” even had the guts to say to me na di na pwedeng ipa-cancel yung rice… Bu$3@t! Parang gusto yatang kainin namin yung rice ng walang ulam, hahahaha!!! Abnoy! Dapat siguro pina kanta ko na lang yung abnoy na waitress na yun (Katherine – sininging waitress nakalagay sa ID nya) para kahit papaano nakabawi kami..
To the management of this “Baduy” na lugar.. May screening process ba kayo? These type of incompetent people ang magpapasira lalo sa lugar nyo.. You should give her one big time disciplinary action yung tipong magtitino….
To the rest of the world, go there at your own risk… Di advisable sa mga mataas ang presyon at may sakit sa puso.. baka atakihin lang kayo sa inis….