ANNA MARIE GUTIERREZ

Isang icon sa showbiz na matatawag si ANNA MARIE GUTIERREZ.  Namayagpag ang kanyang pangalan hindi lamang sa mga sinehan , telebisyon at dyaryo kundi sa mga pantasya ng mga Pinoy noong dekada 80.  Una siyang nasilayan bilang isa sa mga DOLPHY’S ANGELS kasabayan nina Yehlen Catral, Carmi Martin at Liz Alindogan.  Makaraan nito’y naging paborito siyang tampok ng mga sineng ang tema ay sex-comedy hanggang sa tuluyan siyang kinilalang hindi lamang bilang sexy star kundi isang magaling na aktres sa pelikulang SCORPIO NIGHTS ni Peque Gallaga.  Patuloy siyang sumikat at naging bahagi ng mga pelikulang dekalidad  tulad ng UNFAITHFUL WIFE, TAKAW TUKSO, DI MAGHILOM ANG SUGAT , MAGKAYAKAP SA MAGDAMAG at marami pang iba.

Nasa rurok siya ng tagumpay nang bigla siyang nawala sa eksena.  Maraming naging ispekulasyon kung ano ang nangyari sa kanya dahil halos

ANNA MARIE GUTIERREZ, Ngayon

walang nakakaalam kung saan siya pumunta.  Ni hindi nga niya nakuha yatang magpaalam sa kanyang mga matalik na kaibigan.  Bahagya man siyang nakalimutan ay hindi maaring tawaran ang kanyang naging kontribusyon sa pelikulang Filipino bilang aktres.  Nitong mga nakaraang panahon ay muli natin siyang natunton at masaya niyang naibalitang matagal na pala siyang naninirahan sa New York at masayang kapiling ang kanyang amerikanong asawa at  isang anak.  Marahil kung magbabakasyon man lamang si Anna Marie dito sa atin, malamang pagkakaguluhan siya ng film producers at tv networks upang kahit papaano’y maranasan muli ng sambayanan ang igting ng kanyang marubdob na pagganap!

»

  1. Bogurt ay nagsabing:

    Wow ang galing naman at may web about kay ANNA MARIE GUTIERREZ… Fan talaga nya ako noon pa kahit na sa mga lumang BETA at VHS tape ko nalang sya nakilala, kasi nung panahon ng kasikatan nya sobrang bata pa ako noon kasi 1984 ako sinilang, kaya sa mga tape ko nalang sya nakilala, Nice to see her recent pic medyo may edad na sya ngayon pero dati walang sinabi yung mga sexy star ngayon sakanya kung ikukumpara.

  2. Jason ay nagsabing:

    do you have the real name of Ms. Anna Marie Gutierrez? pls advice.. ty

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s